C – care

Meron na ko nito ngayon.  From someone special and from a family na very special to me🙂 Pero pwede bang makahirit pa ng isa or dalawa pa or the more the many-er ‘ika nga😀 Yung galing naman sa min.  Ang walang price tag.  Di kelangan VISA or MasterCard😀 Don’t get me wrong.  Mejo marami rami na rin kasi ang solid proofs ko e. Yoko na lang sabihin kasi d magandang makipag-away dahil lang kay Ninoy o kay Pres. Roxas mas lalo na sa tarsier dun sa kulay orange na bago😀

H – him

Wag sanang magbago.  Yoko ng mas mahabang pasensya.  Okey na ko dun sa kung ano’ng meron noon hanggang ngayon.  Na kahit gaano ako kaloka-loka, love love love pa rin😀

R – right

Sana tama na ang lahat-lahat this 2012.  Kaloka masyado ang mga bills and payments due to hasty decisions and wrong choices.  Napakaimpulsive ko naman kasi masyado.  I must get back on track, focus on my dreams, and take it all from there.  To all distractions – pleasant or not – steady lang kayo, let me work muna😀

I – intensity

Mukhang kelangan kong maglevel up sa work.  Malamya masyado this year.  Daming procrastination.  Lower output than last year.  Di kaya sign of aging? Wag naman sana😀 As I joggle through several things to work on, I really need to take care of myself so that I could give everything my best.  Bawal na ang magkasakit…thought sakitin talaga ako😀

S – surprises

Ang unang isusulat ko talaga sana e SHOES hahaha kaso kokontra na sya dun sa R😀 Ito na lang mas maganda, mas selfless.  Feeling ko this year I lost my love for life😦 As in! Di na ko masyadong nagpaplano.  Wala nang “something new”.  Di ko na rin masyadong naeenjoy ang bawat special occassion sa life ko.  Pano work na lang nang work.  Tuloy I became the dull Jacqui😀 This year, kahit di masyadong bongga, basta enjoy, balik ulit tayo dun.  I’ll take time to smell the flowers, appreciate every morning, laugh with friends, etc.  Sa work – goodbye stress, mental fatigue, and exhaustion😀

T – time

Eto talaga ang pinakachallenging.  Yokong mangako.  Pero time na talaga for me to say goodbye to BEING LATE, TARDINESS, and sa TIRIK-TIRIK portion everday😀 Nakakastress.  Nauubusan ako ng hormones.  Nakakasira ng araw😀 Time na for me to change my favorite quotation into TIME IS GOLD.  Seriously.

M – me

Tama yata ang isang message dun sa Facebook app – love myself before I can love others.  Ang dami ko yatang kelangang bawiin for myself this 2012.  Not that much, don’t get me wrong.  Actually, mga personal talaga lahat.

Mahirap na mapagsabihan ulit ng MONSTER, o makarinig ng di masyadong kagandahang advice sa kanya na maghanap ng kagaya nyang good looking din, o dun mismo sa nagsabi na ngetpa ako😀 Di ko naman sinabing maganda ako.  I know where I stand😀 Pero hindi porke pangit ako sa paningin nyo, e maganda na kayo😀

Gusto ko nga rin sanang ilagay M for material.  Kaso hindi kagandahan.  Anyways, ang mga materyal na gusto ko e pansarili lang din naman tagala, as in for me din naman talaga, kaya ME na lang😀

A – anger

Mahirap din to.  Lalo na pag nananahimik ako at talagang sinusukat ang pasensya ko.  FORTITUDE.

I admit, I’ve been angry at times this 2011.  Nagalit ako dun sa talagang obvious na copycats, dun sa naglagay ng BOBO GAGA sa files ko [sinadya man o hindi], dun sa nagparinig masyado sa facebook e hindi naman kami friendship, dun sa feeling close, sa plastic na friend sa harap then patalikud ang tira, dun sa hindi pa nagsoSORRY, sa obvious na nahihirapan makamove on sa nangyari sa min, dun sa hindi ko pa kayang patawarin, sa napatawad ko na pero di ko pa makalimutan ginawa nila, pati na din sa mga common friends na ako lang yata ang mali all the time pero yung totoong may kasalanan e alagang alaga nila, dun sa assuming and sa presumptuous Brad Pitt kuno na akala yata e head over heels in love ako sa kanya yet d na sya pwedeng agawin kasi may Angelina Jolie na sya.  Alam nyo na kung sino kayo😀 Alam kong magugulat kayo pag nabasa nyo to.  That’s right.  I sensed everything all the time. Call me paranoid or whatever, but you can at least check within yourself if I hit it bull’s eye…that’s if you can try not to be hyprocrite for once in your life.

I was hurt.  Badly hurt.  Kasi friends naman pala tayo e bakit you chose to hurt me?  Then there was anger.  Pasensya na tao lang pero talagang nagalit ako sa inyo😀 Ayan nasabi ko na, moving on…

S – sorry

Sa mga sinadya ko talagang saktan or gantihan or paringga, SORRY.  Motto ko kasi: For every action there’s an equal reaction.  Inunahan nyo ko e😀 Di bale pag naisipan nyo uli akong unahan, di na ko magrereact hahanap na lang ako ng ibang mas importanteng gawin kesa igrant ang ineexpect nyong cheap fight😀

My sincerest apologies naman dun sa nasaktan ko nang hindi sinasadya.  Pagpasensyahan nyo na ang lola nyo.  Minsan talaga kasi kahit hindi pa menopausal stage e talagang nawawala sya sa sarili nya.  Sabihin nyo sa kin nang harapan pag nahurt ko kayo ha.  Lahat naman pwedeng idaan sa professional na pag-uusap.  Wala namang deadline ang explanation e😀